Sunday, April 10, 2016

A little reminder

I need to trust myself more. I need to take care of myself more and prove that I am nobody's responsibility. I need to say my "I can's" in this world of "I wish". I need to release what's inside me in order to let myself out of worries and unsolicited dark thoughts. I need to trust the process of everything;to learn how to wait and explore what's inside every path. I need to be with myself more often and stop depending with other's terms, thoughts and feelings. I need to be me. I need to have the courage to do the things that I am capable. I need to find the me in this insanity. I need to suffice the insatiable thoughts running through my mind. I need to be in solitude. I need to be myself and trust that they will love me with all of that. I need to burn the sorrows of the past and the fears of the future. I need to be in the now. I need to be myself all the time, and that includes the times when I'm too disappointed with myself. I need to trust myself.

Tuesday, April 5, 2016

Para sa'yo

Wala na akong alam, wala na akong ibang aalamin, dahil ang pinaniniwalaan ko na lamang ngayon ay ang mga salitang "Mahal na mahal kita, walang ng iba pa." Sa bawat umaga na nasasanay akong unang bati mo ang mga nakikita, sa mga gabing tinatapos natin ng matatamis na palitan ng mga katagang "Mahal kita." Pinipilit kong pisilin ang magkabilang kong pisngi para magising. Nasasanay na ako sa mga bagay na matagal kong sinabi at ipinaintindi sa sarili ko na hindi maari. Nasasanay akong iniisip kita mula sa pagmulat hanggang sa paghimbing ng tulog. Nasasanay akong ikaw ang pagbalingan ng atensyon at pagmamahal. Nasasanay na akong bitawan ang mga salitang pilit kong pinagpapalit palit sa aking isipan para lamang perpektong lumabas mula sa aking bibig. Nasasanay akong ngumiti sa pagmamasid sa iyong maliliit na kilos na tila ba isang sayaw sa aking paningin. Nasasanay ako sa mga halik ng isang taong madalas ay tikom ang bibig sa nararamdaman. Pinipilit kong iiwas ang mga bagay na ito para hindi na muling masaktan kung dumating man ang mga pagbabago. Ngunit, dinulot mo sa akin ay iba. Dinulot mo sakin ay mas higit pa sa katatakutan na muling maranasang masaktan sa pagmamahal. Dahil sa maniwala ka't hindi, ang pagmamahal mo ang yumabong sa akin para maging isang mandirigmang hindi takot ang sandata, ngunit pusong kulang na lang ay lumabas sa katawang ito at sumigaw ng isang koro. Dinulot mo sa akin ay ang mga katagang "magbago na ang lahat, pero hindi ang pagmamahal ko sayo." Hindi kinatatakutan ang pagmamahal, hindi ba't wala namang natatalo sa lubos na nagmamahal? Kaya lubos lang kitang mamahalin, kung ano man ang mangyari, iyan lamang ang sasadyain ko hanggang sa huling hangin na ilalabas ng aking hininga. "Nasasanay na akong, minamahal ka."

-Soco