Sa mga panahong naiisip ko na may mali
Ang tanging isinasagot ko ay
Pinili ko ito
Ilang ulit ko ng hinayaang mangyari ang mga bagay
Na maglaro at umikot sa kanilang mundo
Ngunit nandito ako ngayon, pinipigilan
Paikutin ang mundo sa'yo
Pinili ko ito
Kung kaya't hindi ako maaaring magreklamo
Hindi ako maaaring sumuko
Dahil pinili ko ito
Nasanay na akong lusawin ang aking sarili
Sa ilang beses ba namang nilunod ko ang puso
Sa ilang taong piniling bitawan ito
Alam ko na ito, pero pinipili ko ito
Dahil hindi mo ako nilulusaw
Ngunit sa malambing mong mga ngiti
Para akong yelo sa mainit na tag-araw
Natutunaw
Magulo
Pero pipiliin kita sa pag-asang muli
Sa mundong walang tiyak
May pipili rin sa akin